BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, April 9, 2010

Farewell, Umbriel.

From tumblr.

April 9, 2010

Okay, I admit, hindi kami kumpleto. Pero, okay lang. We made the best out of the day naman, eh. And these final moments together, I will forever cherish.


-

Yesterday palang, pinapractice na namin ang hobby ng every MariSci-an - CRAMMING. Dapat talaga may meeting kami kila Dizon ng 10 o’clock, eh. Pero since natulog na ako ng alas-tres ng umaga the night before, hindi napursue `yung balak. Eh, semi-grounded din naman ako, so malamang, hindi na ako papayagan.

Nagtext si Mirzi, kinaumagahan. Tinatanong kung pwedeng pumunta ng bahay later that day. Edi sabi ko one o’clock. Biglang text si Monica:

MONICA: Uy, wala pa daw tayong games sabi ni Dizon.
AKO: Anung number? Tatawagan ko.
MONICA: (Binigay ang cellphone number.)
AKO: Telephone, ate. Wala akong load.
MONICA: Ah, okay, wait.
MIRZI & ME: (Wait daw.)
MONICA: (Binigay telephone number.)
AKO: Hello, pwede po kay Justin?
DIZON: Si Justin na `to.
AKO: Ui, pa`no `yung games natin.
DIZON: Ewan. Isip ka.
KAMI: (Silence.)
MIRZI: Dizon, punta ka nalang dito.
DIZON: Okay.

At nag-end ang call.

MIRZI: Papunta na daw si Dizon.
AKO: Ah. Okay.
KAMI: (Silence.)
AKO: Alam niya ba papunta dito?
KAPATID KO: (Tawa.)

At tinagawagan muli namin si Dizon.

AKO: Hello, pwede po kay Justin?
DIZON: Si Justin na `to.
AKO: Alam mo ba kung san `to?
DIZON: Oo. `Yung kila Haree.
AKO: Okay. San `yun?
DIZON: (Pause.) Hindi ko alam.

=))

At pinagplanuhan na nga namin ang mga games and events and everything at natapos kami ng mga six. Eight o’clock, umuwi na si Mirzi and at around ten, I decided na kailangan ko nang matulog dahil sa maaga pa kami tomorrow. Tapos bigla kong naalala na i-organize ang games, so in the end, natulog ako ng around one.

Today, nagising ako ng six, excited na excited na sa farewell na muntik na akong madulas sa hagdan sa katatalon. XD Pumunta na kila Mirzi ng around seven at sa main thirty minutes later. Nabigla ako, konti lang `yung nasa main. Sabik na sabik na si Joevil na pumuntang resort kaya pinauna na namin at naghintay pa kami ng mga thirty minutes more sa mga dadating pa. In the end, walang saysay pag-antay namin kasi wala naman nang dumating. Bummer. :|

Pagdating sa resort, andaming tao. Akala ko nga hindi na kami makakapag-swimming, eh. Pero nakapagswimming naman. Pero narealize ko, na wala palang saysay ang pagpupuyat ko kagabi kasi wala namang natuloy na game. Ngee. Pft. Haha. Pero, okay lang. Kapag nasa pool ka pala, hindi mo na namamalayan ang oras at akala mo super sandali ka lang or super matagal ka na pero `yun pala kabaliktaran. Haha. Nakaka-ewan. XD

Sa kalagitnaan ng kasiyahan sa pool ay pinagtripan nanaman si Debie. Haha. Pa`no ba naman kasi, nakakita lang ng paa, tumili na at sinigaw, “May paa!” Bad trip. Karindi. =)) So the whole duration, ang mga boys, pinaulit-ulit, “May paa!” at “May ulo! Ang dami!”

Mga ten o’clock nag so-called lunch kami. Akala nga ni Jayson twelve na, eh. Tapos narealize namin na andaming KANIN at walang masyadong ulam. So tinira naming lahat ang barbecue (hindi ako nakakuha), doughnuts (hindi sila nakakuha) at pork steak ni Monica. Tapos kinamay-kamay nila Jolo at Mirzi ang cake at kinakain na parang spaghetti. Nakakatakot na ngang kumuha, eh. Parang nilamutak na ng bonggang-bongga. HAHA.

Nang dumating ang baked macaroni, hindi nakain agad dahil busog na mostly sila at kating-kati nang mgaswimming ulit. So naglaro kami ng Cat and Mouse sa pool at grabe ang bonggang tilian pag nandyaan na ang pusa. Nakakatuwa `nung ako na. Haha. Pinagsisipa ba naman ako ng mga katauhan para hindi ako makapasok sa circle. Haha. Tapos `nung ako naman `yung mouse, motivated na motivated akong umiwas. Katakot si Jacob, eh. DRUG LORD. Mapula ang mata at dalawang layer ang eye bags. Wew. Serial killer! =))

Pagkatapos ng turn ko, hindi na ako naglaro ulit. Napagod ako, eh. Haha. XD Habang sa kalagitnaan naman ng riot pa sa pool, `eto nanaman ang bonggang punchline ni Jayson:

AKO: Umiitim na ako!
JAYSON: Maitim ako!

TAE. =))

Tapos biglang NAGDOMINATE ANG MGA CHORBA. :| Waww. Grabe. Nagpopose talaga sa side ng pool. EEEKK. :|

BOYS: Nagbabasaan.
NATIYEMPOHANG CHORBANG DUMAAN: Ayy. Waaaggg. Masakitttt. :”>

O_O

Okay na sana, eh. Okay na okay na okay na. Tapos biglang, pagkapa ko sa mukha ko, aba, parang may masakit. :| At sa hindi malamang kadahilanan, may bukol ako sa ulo. Na napakasakit. So ahon ako at punta sa kawayan para kunin ang yelo nang madatnan ko sila Mirzi at Andre na nagmomoment. Guilty ako na ininterrupt ko sila, kaso kailangan na ng yelo ang bukol ko, eh. Umalis na si Mirzi. Shortly, sumunod si Andre at naiwan akong mag-isa `dun. Sinusubsob ang mukha sa yelo.

Umahon na sila Camille, Charmaene, Jolo at Ferdinand para kumain ulit at nagustuhan nila ang baked mac ko! Haha. Nakakatuwa naman. :)) Nilantakan pa namin `yung isang cake. Ako naman `yung nagkalat sa pagkain. Eh, nung time na `yun may mga lasing na nagkakaraoke at hindi mo maintindihan kung anong nangyari sa kanila at ganun sila kumanta.

AKO: Anubayan, kelan ba nila bibitiwan ang mikropono?
JOLO: Pst. Nandun sila sa likod mo.
AKO: (Tahimik.)

Nang maisipan ng mga lasing na magswimming, nakapagkaraoke na rin si Karyl. Ang kanyang matagal nang hinihintay mula kanina pa. Haha. Nakakatuwa. Tapos swimming nanaman ulit kami. And in the midst ng mga pag-tutulakan sa pool at mga failed na shots na pagtalon, nawala ang hikaw ni Karen. Edi kami todo support sa paghanap ng hikaw niya na, in the end, hindi naman nahanap. Tapos biglang sumuka `yung mga lasing sa other side ng pook. EW. :| Kabaliw. :))

Tapos shower na and picture-taking. Kapal nga namin eh. Nagpakuha pa kami sa isang employee `dun. Pero GRABE ang bagal niyang magpicture-take.

EMPLOYEE: Okay, one, two three -
KAMI: (Ngiti for another three seconds.)
EMPLOYEE: (Tsaka lang magcclick.)

Pagkatapos ng shots:

FERDINAND: Anubayan, nagtulo na `yung laway ko, wala pa rin.
MONICA: Eh, ako nga, nanginginig na `yung bibig, eh.

Tapos biglang pinaalala ni Monica:

MONICA: Uy, guys, may fund pa tayo. Anong gagawin natin `dun.
AKO: McDo tayo! Tig-iisang float tayong lahat!
SILA: GAME!

Pagdating sa McDo:

EMPLOYEE: Hello, Ma`am. What`s your order?
AKO: Nineteen po na Coke float.
EMPLOYEE: That will be 475, Ma`am.
ISA PANG EMPLOYEE: Ilan daw?
EMPLOYEE: Nineteen. One. Nine.
ISA PANG EMPLOYEE: (Nanlaki ang mata.)

So dinominate naming mga MariSci ang isang part ng McDo at ang ingay-ingay naming nagdebatehan kung ano ang pinaka-commonly mangloko - Boys or Girls. Tapos napunta na sa mga sub-topics.

CAMILLE: Ang pinaka ayaw ko lang naman talaga sa mga lalaki ay `yung MANYAK at sa mga babae ay `yung POKPOK.
JOEVIL: Bakit parang lahat ata ng ayaw natin natatama sa iisang tao.
KAMI: (Tingin sa taong `yun.)
UNKNOWN PERSON: Tamang-tama. `Yung syota niya ganun din.
AKO: Kaya nga “A Match Made in Heaven”, diba?

Tapos raffle na kami para ipaghati-hatian ang natira pa sa funds.

10 pesos - Mirzi
15 pesos - Charmaene
30 Pesos - Paul

Sabi namin tatambay pa kami sa labas ng McDo, kaso wala nang napala kasi wala na rin naman kasi kaming mapag-usapan. Adik nga ni Paul, eh. Atat umuwi. AND si Monica. May nalaman. UUUUYYY. XD

We bid our farewells na and finally went home. Bagsak na nga dapat ako, eh. Pero kailangan ko nang i-type. Baka magkaamnesia na ako at hindi ko na maalala bukas.

Ang saya ng year na `to. Ang saya ng Umbriel. The best kayo! :*

Tuesday, April 6, 2010

/\/\ovie /\/\arathon! :))

from tumblr.
-
April 6, 2010

Supposedly kaming dalawa lang talaga ni Zii ang magkakaroon ng guitar-playing/bonding-session ngayon, but, oh well, things like this happen ALL THE TIME.

So ayun, went to MSHS Main to get our cards. Ako ata ang nahuli sa lahat ng 3j na dumating, eh. They were all there when I came and we waited for, like, about 20 minutes before we finally went up to call on to Mrs. Torrente. Umakyat kami kasama si Zii and Nikki dala-dala `yung listahan ng mga cleared na sa clearance. Tapos pinaulit-ulit ni Mrs. Llevado na `yung “Clearance” daw dapat `yung dinala, tapos medyo nabanas lang ako kasi tumatak naman sa utak namin, kailangan pa bang ulitin?

Edi, I said it out loud paglabas ng faculty and FOR THE LOVE OF ALL THE FAIRIES AND THE TWEETY BIRDS IN THE SKY, NARINIG AKO NI MRS. HOMAN! I am soooo dead. So, so, so, so, so, so FREAKING DEAD. :| Pero, whatever. Tapos naman na ang taon. :)) :-j So Nikki went back to hand over the clearance, but I didn’t bother. Nakakahiya na, eh. :”>

We went to the classroom and waited for the cards. THANK GOD, hindi pa ako nawala sa distinction ko. :P Distinction KO. Iba `yun sa actual distinction. :-j :)>-

Tapos `dun na nagkayayaan na pumunta sa bahay namin para mag-movie marathon. Mga ten ata kami: 3js - Nikki + Ferd, Jolo, Joevil, Andre && Jayson. Tapos, bigla kong naisip - mas malaki TV nila Zii, so sa kanila kami nanuod, pagkatapos kunin `yung DVDs galing sa bahay.

Hindi kami magkasundo sa papanuorin. Nagkagulo-gulo sa bahay nila Zii.

JAYSON: Wishing Stairs na kasi, para horror!
JOEVIL: `Wag na yun. Napanood na nila `yun, eh. Wala ng thrill.
AKO: Tooth Fairy nalang!
ZII: Medyo malabo ata `yan, eh. (Tinawag mama niya.) Mommy, diba malabo `yung Tooth Fairy?
MOMMY NI MIRZI: Hindi, ah.
ZII: Oh, `di daw pala malabo.
(UNKNOWN PERSON): Hindi naman masyadong maganda `yang Tooth Fairy, eh!
AKO: Ah, ganun? Edi, ano nalang?
KARYL: UP! Up nalang!
AKO: Medyo malabo `yun, eh.
KARYL: Ay.
JOEVIL: Alvin and My Best Friends nalang.
AKO: (Tawa)
CHARM: Bakit Alvin and My Best Friends? (Pause) Ah, gets ko na.
JAYSON: Ay, ang slow.
JOLO: Anu ba `yan, Charmaene, ang slow mo!
CHARM: Eh, ano ngayon? At least na-gets ko.

…andd, ang dami pang kaguluhang nangyari pagkatapos `nun. In the end, we decided na mag-“maalis onti” para malaman kung sino ang makakapag-choose ng movie na panunuorin namin. Ang napili si Karyl. So pinanuod namin `yung Wishing Stairs (ulit).

Nung magsstart na `yung movie:

AKO: Jayson, you`re blocking my view.
JAYON: I`m blacker than you.

=)))))))))))))))

Disk 1, as usual, ang boring. :| `Pag dating ng Disk 2, hindi na din masyadong nakakatakot kasi napanood na namin and `yung mga boys, nakakapag-lessen ng tension sa atmosphere. :)) Inaasar namin si Calaycay na natatakot, kasi hindi naman siya nanunuod, natetext lang, o nakatingin sa kung saan, o aalis.

Umalis na si Camille, some time here. Sayang. :|

Pagkatapos, pinanuod namin `yung BFF and tawanan to the max. `Pag dating ng part na may halo-halo, biglang sinabi ni Joevil na gusto niya na rin daw ng halo-halo. Kinalaunan, narinig yata kami ng mommy ni Zii at nagtanong kung sino daw may gusto ng halo-halo. Tapos ako lang ang walang hiyang nagtaas ng kamay. =)))))

`Nung sa part na nandoon si Kiray…

AKO: Life cycle of a woman: Kiray, Melay, Pokwang, Aling Dionesia.
SILA: (Tawa)
JAYSON: Hindi naman pangit si Pokwang, ah. Pinapatawa niya lang `yung sarili niya.
JOLO: Sexy naman si Pokwang, `wag mo lang tignan `yung mukha.
AKO: Si Pokwang? Sexy?
(UNKNOWN PERSON, CHARM ATA OR ALJEN): Oo, kasama nga siya sa Top 10 ng sexiest women, eh.
SILA: Ohs?
AKO: Si Decla kaya, sexy.
SILA: OHS?!
MIRZI: Kapag si Kiray kaya, gumanda, ano nang magiging tawag natin kay Decla?
AKO: Kirot.
SILA: (Tawa)

`Pag dating ng part na namatay na si John Estrada, hindi na ulit ako maka-get over sa katatawa. Pano ba naman kasi, mamamatay na nga lang, ang tanga pa. =)) Hahaha.

Pagkatapos ng BFF, pinanuod namin `yung Ded na Si Lolo. Hindi na ako masyadong nanuod, kasi eto na `yung time na dumating `yung halo-halo. Nakaconcentrate kami lahat sa pagkain. Tapos biglang nasira `yung CD, so nanuod nalang kami sa Nickelodeon, tapos Daily Top Ten. Pagkatapos ng number nine, nagsi-uwian na kami.

Haha. Grabe ang saya ng araw na `to. Pasensya sa napaka-detailed na blog. Haha. :)) Gotta remember these moments kasi. ;)


Wednesday, February 24, 2010

Don't expect of give meaning when someone treats you special. Because you might do something stupid like falling in love.

The last months were magical, the last weeks were amazing, the last days were a daze. I’m sure it is not only I who feels that way. Thinking of what happened the whole year and how things all turned out was unbelievable. And now it turned out into something I never really expected.

The whole day I was thinking of lots of things, including lots of people and countless memories of them. The past few days I had doubts, and it was inevitable. Everyone is bound to have doubts someday and there will always be times when you stop and think of what’s going on with yourself and around you. But through all of these thoughts there was one thing that would constantly run into my mind.

I guess it was inevitable, that something like this would happen. That one day, somehow, I’d fall and hit rock-hard bottom. And now, I’m lucky I have people to pull me back up. It doesn’t have to be today, it could be later, tomorrow, next year - and when I finally arrive, I can fall again, but it doesn’t matter.

When all’s well, it ends well in love. I finally decided what I’m about to do - I’m going to spend my time, live the fullest and be myself. Of course, there would always be those people who will interfere, but I’m going to push every obstacle aside and show to everyone I’m capable. I figured there was no use in stopping now. I already have my goal set and I’m going to follow. Right now, I don’t care how far it is, how many miles or how long it takes for me to get there.

From now on, I’ll have no doubts. From now on, I’m standing taller. From now on, I’ll become stronger. And maybe someday when I take the right paths, I’ll be arriving in my destination, my head held up high, saying, “I made it. I finally did.”

Thursday, December 3, 2009

Keeping Up

It's really been quite a while since my last post in my blog. Seriously, a LOT has happened in the past - what - two months or so? And so there I write this blog to let you keep up with what the hell's been going on in my life. :)) Here goes!

September 23, 2009 - Birthday ni Angel. :D

September 26, 2009 - ONDOY. A day I will never, ever forget. Ayun, umulan at nagdala ng UNREAL flood sa NCR. It was a shame, really, ang daming nawala. SUPER. After one week na walang pasok, one week na linis. GRABE! Ang putik. :))

October 6, 2009 - Pumunta sa bahay pagkatapos maglinis at nanuod ng Orphan at si seducing Esther. :)) Tumakas - kunwari maglulunch lang at hindi na bumalik. PASAWAY. :)) Sama namin. XD PICS

October 8, 2009 - Umuwi si Papa galing America. New cellphone! YAY! :))

October 9, 2009 - Gala sa Robinsons. Haha. Nanglibre ako sa KFC tapos inasikaso 'yung pinaayos na cellphone habang nandun sila, dumating sila Stephen and company. Haha. Nag-racing papuntang WOF. Gamit ng girls, car. Tumakbo lang 'yung boys except Karlo na naglakad lang ata. :)) Tapos nag-bump car kami tapos nagbrownowt kaya umulit ung ride. Haha. Umuwi na ako agad kasi may byahe pa papuntang Tarlac.

October 10-11, 2009 - Nasa Tarlac for Ma's birthday. Nakilala ko si Brent. :">

October 24, 2009
- Film showing ng Dayo sa SM Marikina. Haha. Gala at bili ng sim ni Cays. Tambay sa National para sa horoscopes tapos sinamahan na sila Dianne at Angel. :) Birthday nina Jemelle at Daniel.

November 4, 2009 - Birthday koo. :"> Nanglibre ng KitKat. Haha!

November 11-13, 2009 - Test days! DOOOOM!! @-)

November 13, 2009 - 2012 premiere. :D Nagbihis sa bahay nila Mico. Nanglibre ng lunch tapos nood naaa! Ang saya! Complete ang LOLS! :) Friday the 13th this year wasn't so bad naman, eh. :P PICS

November 22, 2009 - Nanuod ng New Moon. Kabaliwan! Kasama kasi sila Martin at Jolo, eh! Wala tuloy ako naintindihan! (Konti lang.) Tapos ayun, nagsimba sa Church nila Charmaene kasama si Nesian at Karyl. Haha. Tiangge pagkatapos at umuwi ng mga six na kasama si Jolo. Hahaha.

November 28, 2009 - Metting ng Group 5 sa Plane Geom at Group 4 at 2 ng Computer sa bahay. Walang kinahantungan `yung plane geom! Hahaha! At dito din ipinanganak ang haka-hakang nahimatay daw si Charmaene. AYOS. xD

December 3, 2009 - Ang araw na tinype ko ito. Nagkabaliw-baliw sa pagtanda ng dates. LOL. Nag-absent ako eh. Sakit ng lalamunan. Papasok na bukas! WHEW~ ang daming gagawin! Nakakahectic. Ciao na. <3 u ol! :)


-SIGNOUT-

Saturday, September 5, 2009

Breaking the rules!

September 5, 2009 – Matapos naming pag-usapan kahapon ang tungkol sa end of the world at hindi paggawa ng kasalanan, heto nanaman kami. =)) We’re breaking the rules!
UNANG KABANATA: ESKWELAHAN
So aun. Madaling-madali akong lumayas kasi akala ko late na ako. Un pala, wala pa din si Mrs. Cruz at hindi dumating si Karen kaya hindi pa nakabukas ‘yung pinto. Haha! Naghintay-hintay ng konti tapos nakuha na ang card. Maayos naman. Haha. Pinakamababa ay 85… Pagkatapos makuha ni Charm ung card nea, tumawag siya sa bahay nila tapos sinabi ang grades nea sa lola nea. Tapos, tapos, sabi namin kay mama na aalis na kami. Nung sinabi ko sa kanya kaninang umaga na pupuntang Robinsons, akala nea kaming dalawa lang daw – magbobonding ba. Tapos nung nalaman ko un, naguilty tuloy ako. Aw!

Sinundo namin si Gleefer sa Nereid tapos hinanap si Trisha. Nakita namin siya sa plant box. ‘Nung una sabi niya hindi daw siya sasama sa Robinsons pero in the end, sumama na rin siya. Si Mico din daw dapat sasama pero nung malaman niyang magfifit lang kami ng damit… =)) Anyway, nagpunta na kami sa Robinsons, sakay ng jeep. Niyaya pa namin si Melody na sumama, pero hindi daw siya pinayagan.

PANGALAWANG KABANATA: KFC

Edi ‘yon, kumain na kami sa KFC kasi gutom na kami. Sushi lang kasi ang inalmusal ko kaninang umaga, tapos si Charmaene, hindi pa nagaalmusal. Sila Trisha, Gleefer at Charm nagfillet. Tapos kami ni Karyl original recipe. Samantala, kami nila Gleef at Trish ay nagrootbeer at sila Karyl ay nagpepsi. Habang kumakain nagkwentuhan kami about things – like ‘yung scary experience ng daddy ni Gleefer sa Baguio. Pagkatapos kumain, ‘yung about crush crush ewan naman. Tapos nagulat kami, o! Sila Dizon, kapatid niya, Andrea, Monica, Rolyn, Alex and others ay nandoon. Haha. Nakakaaliw naman ‘yun.
Handang handa na kaming umalis…

IKATLONG KABANATA: SA FITTING ROOM NG ROBINSONS


OYES. Nagpakaadik na kami. The rule clearly states that HINDI PWEDENG MAG CAM SA LOOB NG FITTING ROOM. But what can we do? We were born for this! =))
Sa mga pagfifit-fit namin tapos walang binili, pinagtinginan na kami ng mga saleslady. Edi tumigil na muna kami. Tapos ang balak namin pumunta sa Sta. Lu para dun mag-fit ng damit. =)) Tapos nakita namin si Melody (na naka-yellow) na papalapit sa amin. Ang saya! 7 na kami! Ako naka-red. Trish-orange. Mel-yellow. Charm-green. Gleef-blue. Karyl-violet. Ang saya. Rainbow kami! =)
So bumili muna kami ng gift para kay Gleefer na banana peel na flipflops habang nasa NBS sila ni Melody. Pagkatapos ‘nun, I had this crazy idea:

Vain, diba?

IKAAPAT NA KABANATA: STA. LU BABYY!

Nag-siomai house muna kami sa Robinsons bago umalis patungong Sta. Lucia. Bumili muna si Charm ng wallet sa may Mobi & Red tapos ako bumili ng cap. Tinanong nila kung para kanino tapos sabi ko, “Para kay Sharl.” Tapos lahat sila nags-“WEH?!?!?!?!?!?!?!” Psh! Pero hindi totoo! Haha. Para sa kapatid ko kaya ‘yun! Si SHARL, bibilhan ko ng 90 pesos na cap?! SI SHARL?? NOO! =)))))))
Tapos nagpunta na kami sa dept. store. On the way, nakita namin ang mga magazines so we couldn’t help but stop by. Papunta sa second floor ng department store ay nagpakavain kami sa escalator. Kami kami nila Melody at Trisha, nasa isang fitting room. Tapos ‘yung mga tao, sinasabi, “Ang tagal naman nila! Kaya lumayas na kami.” Samantala, sila Karyl pala, pumipili na ng damit para sa socialization. Bagay sa kanila – cute!
Umalis muna ako para hanapin sila Melody, ‘yung pala, nandun na sila. HAYYY.
Habang bumababa ng escalator, nagpakavain ule. =)

IKALIMANG KABANATA: GO NUTS DOUGHNUTS

Nagstop-by muna kami sa Go Nuts Doughnuts para makita ung pics sa cam. Bumili kami ni Trisha para naman hindi sabihin ‘nung nagtitinda na wala kaming binili tapos nakikiupo kami. Tapos nadepress si Gleefer after a happy day. AW! Nilabas na ni Karyl ung cap (na pinatago ko sa kanya) tapos nagpakavain with it. Tapos nilagay ko sa ulo ni Melody tapos pinicturan ko siya.
Pagkatapos nun, umalis na rin kami at nagkahiwahiwalay. Nakakatuwa ‘tong araw na ito! Thanks to the friends who made this day enjoyable. =)

xxxooo,
F A Y E :]


Saturday, August 1, 2009

Kabaliwan sa Bahay Nila Karyl! =))

August 1, 2009 – Another blog nananaman ito! Nagsasawa ka na ba? =))

So, as usual, maaga kaming dumating nila Joyce sa main. Wala pang katao-tao ‘dun. Mostly ‘yung mga first years. So nandun kami, inaabangan si Charmaene, tapos dumating si Erika, hinahanap si Sir Jorquin, tsaka ‘yung mga kasama niyang trainors para sa overnight nila sa Antipolo.

Tapos ‘nun, dumating si Nesian, tapos si Madel, tapos ‘nung time na dumating na si Karyl, dumating na rin si “bang-bang”! Tapos ang sama pa ng tingin niya sa amin…scary! *shivers*

Nalaman naming na absent pala si Miss Gupit ngayon, tapos pinabalik na kami ni Ma’am Torrente sa classrooms namin. Sumama si Madel sa group namin ngayon, kasi wala si Erika. Tapos si Nesian, tinatanong kung kalian daw birthday ni Jireh. Tapos walang nakakaalam. Saktong nandun sila Wenchie, Karlo at John Paul (ata) sa labas. Sabi ni Nesian, “Faye, tanungin mo kaya kay Karlo.” So ako naman, okay, tapos tinanong ko. August 29 daw.

Kumopya kami ng nasa manila paper sa board ng sandali, tapos nagdecide na bumili ng ruler sa canteen. Tapos ‘nung papunta na kami, sabi ni Xerxes, sarado daw. Edi umalis na sila, tapos kami naglalakad parin. Saktong pinaguusapan namin si bang-bang, tapos dumaan siya, tapos sinanggi ‘yung right shoulder ko! As in hindi naman ‘yung sanggi na ouch-sanggi. Parang friction lang naman. Tsk! Namumukhaan na yata kami nun!

Sunod na dumating si Gleefer, tapos si Trisha, tapos si Charmaene, tapos si Melody. Kumopya ulit kami tapos nag-start na ‘yung MTAP.

Skip ‘nung break – ‘yung time na SUPERDUPER nayamot talaga ako! Kasi may isang first year na bungga kay Trisha, tapos edi masakit daw sabi niya. Edi nilapitan ko siya, tapos sabi ko sa nakasipa, “Kuya, nasipa n’yo po ‘yung friend ko. Magsorry po kayo.” Tapos siya naman, poker-faced, stone-faced nagpapakamanhid. Tinanong ni Trisha, kung anong section niya, sabi Wordsworth daw. Tapos ‘nung tumalikod ako, NAG-MAKE-FACE ANG LOKO! Nakakainis talaga! Edi nilapitan ko, “Kuya, ang taas naman ng pride n’yo. Konting sorry lang hindi n’yo magawa. Babae kaya ang nasipa mo.”

Tapos some time after that, lumayas na ang *************asdfghjkl;’ . ‘Nung pataas na kami ng hagdan, tinanong ni Gleefer kung sino daw ‘yung nanipa. Tapos nilakas ko. “’Yan, o! ‘Yung *HA****!” Tapos nilapitan naman ni Gleefer tapos sinabing magsorry daw, tapos edi ‘yun, hindi parin siya nagsorry. ‘YANG LOKONG !@#$%^&*()!!! Tapos sabi ni Trisha, “Hayaan mo, kung ayaw niyang mag-sorry, ‘di ‘wag.” Tapos walk out. Edi nakatayo ako sa may pintuan, tapos dumaan si *HA****. Tapos nag-padyak ako ng malakas. =)) Pagkatapos ‘nun, dumating ‘yung nga classmates ni *HA**** tapos sabi, sila nalang daw ang mag-sosorry para sa kanya. Tapos sabi namin, “Wala naman kayong kasalanan, kaya ‘wag kayong magsorry.”

Tapos second part na ng MTAP, wala na kaming naintindihan. Puro radicals at square root at cube root ang pinagusapan namin dun! Nakakaloka! =))

So kami naman, tinaguriang mga madre kasi daw ang tahimik ng grupo namin. Ay, ganun? =))

So anyway, atat na atat na kaming lumayas, kaya pagtungtong ng twelve, zoom out na kami! Hindi na sumama si Martin sa amin kasi gusto niya daw mag-McDo. Edi nagjeep kami tapos nag-usap usap. And then nagtricycle kami papunta sa bahay nila Karyl. Eh, si Charmaene ang nagbayad, tapos hindi pa siya umaalis sa tricycle. Si Paula naman, ang lakas ng tama, edi sabi niya, akala niya daw hindi na lalabas si Charm ‘dun. XD Kaloka talaga! I love LOLS!

Pagpasok namin, nagusap-usap kami tungkol sa crush, tapos ako naman, pinanggigigilan si Nuggets. =) (Name ng dogger ni Karyl. XD) Tapos kumain na kami. Nagpicturan tapos talk-talk.

Tapos ‘nun, pumunta na kami sa taas. Sabi ko, sa room nalang kami ni Karyl para kahit papano, magiging private-er ang conversations namin. Nung una, seryoso pa akong gumagawa ng elective math, tapos napagdiskitahan namin ‘yung Candy Mags ni Karyl. Edi nag-quizzes-quizzes kami ‘dun, tapos ‘nung mga three na, umalis na si Charm. Hinatid namin siya sa C ‘n P, tapos on the way, may nakita kaming super-LONGGGG na gumagapang na earth worm *shivers*. Naalala ko tuloy ‘yung snake from yesterday. Sabi nila ‘yung mother ‘daw niya nasa MariSci pa – SCARYYYY!

Anywayyy, habang nandun sa Bench sila Gleefer at Trisha, nagtanong-tanong kami nila Karyl at Paula sa mga katauhan kung nasan ‘yung Book Sale. Edi sabi nila nasa second floor daw. So pumasok kami ‘dun kila Trish, tapos sabi ko, puntahan namin sa taas. Eh hindi ko alam kung anong direction, so umikot-ikot pa kami bago nakarating ‘dun. =)) Funny! Oo nga pala, b-day na ni Trisha sa 4!!! =) HAPPYBIRTHDAAAAYYY!! XD

Tapos nakita namin ‘yung latest issue ng Candy Mag na si Ashley Tisdale ‘yung cover. So nag-ambag-ambag kami para sa 95 pesos. Tapos pagdating namin sa bahay nila Karyl ulit, hindi pa namin binuksan kasi wala pa si Karyl. Tapos pagpasok ni Trisha sa room, may sinabi siya tapos lahat kami sa room, sumigaw tapos nagtawanan. =)))) LOL. Tapos nagtanong ako. Sabi ko, “OA ba akong magsalita?” sabi nila Gleefer, “OO naman!” Tapos parang ako, “WEH?!” Tapos ‘yun pala ang pagkakarining nila, “Okay”! Edi tawa nanaman kami. Tapos dumating si Karyl, tapos kinwento ni Gleefer kung anu-ano ‘yung mga nangyari ‘nung wala siya. Tapos habang nagsasalita si Gleefer, tumalikod si Karyl tapos umalis! Tawa nanaman kami! Tapos nagtanong sa akin si Gleefer ng something, tapos hindi ko narining tapos hindi ko sinagot. Tapos tawa nanaman kami. Angsasabog namin, grabe! =))) Tapos edi dumating na si Karyl, may dalang mga snacks. Tapos nagbunutan kami kung sinong unang magbubukas ‘nung wrapper ng Candy Mag. Tapos nagsalit-salit kami sa paglipat ng page para fair. Rotation method. Tapos si Gleefer reklamo ng reklamo kasi puro nga ads ang nabubuksan niya, tapos si Trisha puro mga quizzes. Tawa nanaman kami! =))))) ILYLOLS! XDD
Eh, ako ‘yung nakabuklat ‘nung page na parang isusulat mo ‘yung name mo ‘dun. Tapos hablot naman ako ng pentel pen from my pencil case, tapos sinulat ko “I ♥ Karishela”. Tapos lahat sila nagsi-“aw”. Tapos pinirmahan ko ‘yung sa bottom-left nung star. Tapos sabi ni Trisha, “Uy, ‘di ba 5 sides ‘yan? Tapos five tayo…” Then lahat, kami nagsi-oo nga! Eh si Gleefer ‘yung nakaoccupy ng space sa pinakataas, tapos okay na sana ‘yung pwesto ng name niya, kaso baliktad naman ‘yung pagkasulat niya, so tawa kami ng tawa, tapos in depression, tumili si Gleefer! Nakakatuwa! =)) HAHA!

Tapos ‘yung page na nasa tabi ‘nun parang ad siya tapos white mostly so sinulat, sulatan namin ng mga notes tungkol sa araw na ‘to.

Ang nagbukas ng plastic: PAULA
Conditioner: Faye
Shampoo: Gleefer
Nokia: Karyl
Toys R Us (hindi po ito kasama): Trisha
Samsung-something: Ferry

Tapos ‘nung patapos na, nagsiuwian na kami. Hindi na sumabay si Karyl kasi wala daw magbabantay ng house nila. So kami naman, layas na. Magkasabay kami ni Gleefer, tapos si Paula at Trisha naman, magkasabay din. Edi dumaan kami ng right papuntang C ‘n P. Tapos ‘yun pala sa left ‘yung daan! Buti nalang nakasalubong namin ‘yung mom ni Karyl on the way or else…KRKKKK! @-))))

Tapos edi ang lakas ng ulan, tapos sila Trisha and Pau nakasakay na. Tapos, edi sabi ko, “Lord, sana may dumaan na tricycle.” Tapos may dumaan nga, may laman naman. Sinabi ko ulit, dedma naman ‘yung tricycle driver. Tapos pangatlo, may pumansin na sa amin.

Tandaan: May utang ako kay Gleefer na 10 pesos! =))

Pag-uwi ko, sabi ni Mama, “Buti naman naisipan mo pang umuwi!” Tapos parang ako, “Oo nga…”

I LOVE LOLS SOSOSOSOSO MUCH!! =)))) The best! XD

xxxooo,
S H A R L <3

Saturday, July 25, 2009

The Third Post of July!

July 25, 2009 - Simula kagabi na-sense ko na na magiging maayos ang araw na 'to. Kasi sa panaginip pa lang, nakabili daw ako ng isang super-duper laking bahay sa states sa halagang $400 000 +. Haha!


So 'yun nga, sabi ko sa blog ko kahapon na magsosorry na ako sa kanya, which I did, kasi nagsorry naman talaga ako - tatlong beses pa nga, eh! But lets get to that later. :))

So dumating kami ni Joyce sa main ng mga 6:50 tapos edi pumunta kami sa taas tapos hinanap 'yung pangalan namin sa mga pinto. Dun ako sa room na katapat ng Triton. XD Nung magsisimula na ung MTAP, nalaman namin na kailangan pala ng isang separate notebook para sa notes kaya edi sugod naman kami sa baba para bumili. Nasaktohan pa na 'yung leaves ng notebook na nakuha ko, hindi masyadong maganda - pero ayos lang, at least recycled siya diba? Haha! (AY! Dito nga pala 'yung unang sorry ko.)

Lahat kaming LOLS na kasama sa geom, plus Yvan, Sarah and Ledda sa isang grupo lang kasama. (Edi only girl si Yvan!) Niyaya namin siya sa "movie marathon" (na walang movie) pero sabi niya 'wag nalang daw. So may nag-suggest na mag McDo kami bago pumunta sa bahay kaya kami nagsang-ayon na.

Nung break, bumaba kami tapos 'yun na 'yung parang time na hindi na namamansin si Dy. Medyo naasar kami, seriously, (kung mabasa mo man 'to...) kasi kung may problema man siya, sa amin, sana naman i-open up na niya kasi dapat malaman niya din na medyo nakakayamot na 'yung mga actions niya minsan. So moving on...hindi na kami nakakain kasi ang daming tao sa baba! Dito din 'yung second part ng pagsosorry ko tapos nanlaki pa 'yung mata niya. LOL. Pagbalik namin sa second floor, tinignan namin 'yung mga tao sa bawat room na nakabandera sa may tabi ng pinto. Nagstop kami nang nandun na sa room na manamanage ni Ms. Gupit. Nang isa-isahin ni Nesh 'yung mga pangalan - nag-panic kaming lahat! Nakasulat doon ang name ng MOST SCARIEST PERSON I have ever seen in my whole FREAKING life! @-) Edi si kami, pinalayo si Raene agad-agad, kasi parang etong "tall, dark & not handsome person" gusto siyang i-meet. Edi balik naman kami sa Geom classroom. So nakatayo ako sa may pintuan, tapos 'dun na 'yung pangatlong "sorry" ko. :))

'Nung second half na ng MTAP first session, habang nagsosolve, nagiisip ako ng pwedeng isulat na pangalan sa FS. Codename, kung baga. ;) Ang mga naisip ko: Leel, Shaen at Jolee (pronounced as: HOLY), tapos si Yvan, nag-aala "private detective", trying to figure out 'yung mga meaning ng pinagsususulat namin 'dun.

Pagkatapos, pumunta kami sa TLE room, tapos kinuha 'yung projects namin. Tapos 'pag balik namin sa plant box, nandun si Cedric. Sinabi ni Martin na sasama daw siya sa bahay namin so kami naman parang, "Okay lang ba sa'yo? Ikaw lang ang natatanging babae 'dun?" 'Tas sabi niya okay lang, so sinama namin siya. XP

Pagdating namin sa McDonald's, bumili kami ng 6 na McFloat. XD Tapos nakita namin si Yvan (na repeatedly tumanggi nang tinanong namin kung sasama siya.) na TRAYDOR. GRRR! :)) Pagtapos 'nun, lumayas na kami. Muntik ko pa ngang makalimutan 'yung project ko sa TLE sa ilalim ng lamesa, eh! (Sino nga ule 'yung nagpaalala sa'kin? Pasasalamatan ko! XP)

So dalawang tricycle ang sinakyan namin. Sila Karyl, Trisha, Charm and Nessie sa una, tapos kami nila Martin and Gleefer sa pangalawa. Infernes, ang bilis magpatakbo ng tricycle namin! Anywayyy, pagdating namin sa may kanto, talagang nagpatapon pa ako kay Kuya [Question] Mark kasi kapag nakita ni Mama na nagaaksaya ako ng pera...KRKKK! =)) 'Pag pasok na pagpasok sa bahay...

NESIAN: Nagbabasa ng Candy Mag.
KARYL: Katabi ni Nesian sa left.
GLEEFER: Katabi ni Nesian sa right.
TRISHA: Katabi ni Gleefer, nakaupo sa arm ng long couch namin. XP
MARTIN: Naglalaro ng JamLegend.
CHARMAENE: Kausap ni Martin about sa JamLegend.
FATIMA:
Out of place.

Pagkatapos, kumain na kami. Eh, si Martin naghahanap ng gitara habang nagpiano si Charmaene (ng piesang nakalimutan niya. XD). Edi ako naman, kinuha 'yung gitara namin na nasa bodega. Nang iaabot ko na, sabi ni Martin, "Buti wala 'pang putol na string." Tapos biglan: PLONK! Naputol 'yung 6th string! =)) Walangya! Dapat pala hindi niya nalang ni-note out 'yun!

So nagpunta kami sa kanikanilang posisyon sa harap ng TV.

FATIMA: Nakupo sa sahig, malapit sa TV.
CHARMAENE: Second couch from the TV.
GLEEFER, TRISHA (Na nang kinalaunan ay umupo na rin sa sahig), KARYL, NESIAN (Magkakasunod from the right): Nakaupo sa long couch.
MARTIN:
Nakahiga sa sahig!

Sinuggest ni Charmaene, na wag nalang daw kaming manuod, magkwentuhan nalang, pero sabi manuod nalang daw. So sinalang ko 'yung DVD ng 17 Again, tapos medyo naging boring 'yung una so sinabi ko, "Eh, kung magkwentuhan nalang tayo?" Sabi ni Charm, "'Yun nga sabi ko kanina!" So nagkwentuhan nalang kami habang nakikinig ng CD ni Jojo (The High Road).

KARYL & CHARM: Gumamagwa ng Plane Geom.
FATIMA: Gumagawa ng TLE project.
NESIAN: Nagsostolen shots.
GLEEFER: Tumitingin ng baby pictures.
TRISHA: Kumakain ng Munchers. :D :D
MARTIN:
Tumapat sa electric fan, naghanap ng unan, nahiga sa sahig, nagtext. HECK! =))

Habang pineplay 'yung CD, kinakanta ni Martin 'yung "How To Touch A Girl", tapos naghanap siya ng kanta ng Secondhand Serenade. Eh, isa lang 'yung song ko na sila 'yung kumanta (Vulnerable), edi nakikanta na 'rin siya. Sometime after, nagpakavain muna kaming LOLS na present. :))

'Nung nagpeplay na 'yung song na "Iris", tsaka na nagdecide sila Charm and Trisha na aalis na sila. (around 3:00) So hinatid namin sila sa may kanto, tapos 'dun na sila nagtricycle papuntang Blue Wave. (Bye, Shaen and Raene!) 'Pag balik sa bahay, inannounce ni Karyl na wala nang memory 'yung phone niya for pictures. So hindi na kami pedeng magpakavain. :( AWW!

Kami nila Gleefer, Nesian and Karyl nakakumpol sa computer at this time habang tinuturuan ko sila ng HTML at nagtransferan kami ng songs sa USB. Si Martin nakahiha na sa long couch (hindi na sa sahig.) At some point, nakatulog siya! Talagang nag-delete pa si Karyl ng pictures para mapicturan namin ang natutulog niyang mukha. =)))))

'Nung ginising namin siya, tulirong-tuliro pa 'yung itsura na parang nananaginip pa na ewan. So habang nagbaback-to-earth pa si Martin, biglang tinanong ni Nesian (sa gitna ng walang tigil niyang tawa dahil kay Martin *YEE!*, nanakakahawa kasi natawa na rin ako), "Nagsasalita ba kayo kapag tulog?" Sabi ni Karyl, "Hindi, pumapalakpak lang", so lalo kaming nagtawanan.

Mga nangyayari sa amin habang natutulog:
FATIMA: Nanununtok ng hangin, tapos mahuhulog sa kama.
KARYL: Pumapalakpak. =))
NESIAN: Nangungurot & nanghahataw. LOL!
GLEEFER: Magsasalita, tapos gigising. XD
MARTIN: ".........."

Tapos sa kalagitnaan ng conversation namin about sa habits ng pagtulog, biglang nagsalita si Martin ng, "CR" na 'yung boses napaka hoarse at out-of-this-world pa! Edi tinuro ko kung nasaan 'yung CR, tapos umalis na sila. Hinatid ko sila sa kanto tapos dun na natapos 'yong araw na 'yun na napaka-super-duper-WTH-makulet! =))))))

XOw/LOVE,
jOlee (HOLY)

****** Nirewrite ko 'to kasi 'nung pinublish ko, nagpage cannot be displayed tapos kalahati lang 'yung nasave, so medyo late. Pero ayos lang naman! ;) XD