BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Friday, March 27, 2009

Farewell, Euclid ♥

So aun. Todo hapit para sa nalalapit na farewell party the days before. Talagang pumunta pa sa bahay nila Erika, tapos nilakad ung Villa Mayor. Kinausap ung matanda doon, na sabing sasabihin nea kay Ronnie na confirmed na kami ngayon, March 27.

Kagabi, 12 na talaga ako natulog para sa presentation na `yan...tsk-tsk. Only to find out na `pag dating sa resort, wala rin pala. Depressing, right?

Ako actually yung unang dumating. Mga 7 o`clock ako dumating, pagkatapos bumili ng 4 na itlog para sa additional tasks. Tapos pagdating ko dun, nakalimutan ko pala `yung manok! :)) Bago ko umalis sa resort, tinanong ako nung matandang nakausap namin noong Wednesday. "Ikaw ba `yung nagreserve ngayon?" Edi ako, todo "oo" naman kasi ang alam ko talaga kami.

Pag balik ko ulit sa resort, ako parin lang ang tao. Tapos naghintay ako sa first cottage `tas nakita ko sila Daniel at Erika na papunta na. (Tinanghali daw kasi ng gising si Erika. :P) Tapos todo prepare na kami. Wala pa si Faci. 1, si Melody, na originally ang nagarange sa Villa Mayor. Bigla nalang dumating ung Ronnie, katiwala daw. Sabi niya may naarange na daw `nung day na `yun kasi hindi niya inaccept yung sa amin kasi marami daw kumausap sa kanya `tas papalit-palit daw ng offer. (Melody, Martin, Kissa, ...) So ako naman, todo pilit kay Ronnie (LANG!) na ngayon na kami - paulit-ulit naman siya sa walang kwenta niyang reason. Si Erika nananahimik; si Daniel todo dasal. Sabi nga ni Daniel, "Sana naman sinabi na niyang may iba siyang inaccept para hindi nalang tayo masurprise ng ganito."

So sabi ni Ronnie, inquire daw kami sa Flamingos. Edi pumunta kami. 10, 500 ung private pool, eh 5, 000-6, 000 lang ang budget namin! So recommend naman ako sa George Town, malapit sa amin. `Pag balik galing Flamigos, nandun na sila Melody, Charmaene, Cassandra and company. Sinabi agad namin kay Melody na hindi kami ang magoocupy ng resort. Kinausap niya ulit, pero wala parin.

Daniel, Erika and I left for George Town. Free daw, sabi nung katiwala, pero swimsuit lang ang pwede. So since hindi lahat nagdala ng swimsuit, hindi namin kinuha. Next na ung Water Nymph. Sarado, amf. Funny part is, pumunta kami sa DSS Garden at nagtanong ng pool. Ang laking stupido ko naman kasi. Kasi nga GARDEN, diba? HAHA! :P =))

Bumalik kami sa Villa Mayor at andami nang Euclid na dumating. Lahat nakatambay sa harap ng resort. (At ang mga manhid na tao sa loob, ewan!) So, feeling like we`re losing hope, si Daniel todo dasal. Sabi nila, tumulong daw ung dad ni Kevin sa paghanap kasama sila Melody and company.

So sinuggest ko `yung sa Palmera, kung wala pa kaming mahanap. Kami nila Paula, Gleefer, Nesian, Martin and Karyl ang pumunta doon. Sabi ni Manong Guard 11-3 daw pwede naming gamitin. Chineck namin ni Gleefer `yung pool habang sila Nessie and company pumunta sa J - ewan resort. (Nakalimutan, eh!)

Pag-balik namin ni Gleefer sa Villa Mayor, sila Stephen and company, pababa na. So sinabi namin ung sa INDEFINITE pa na Palmera plan. So balik sila `tas announce. Eh, biglang umulan, kaya sumugod na sila sa Palmera. Kami nila Gleefer ang natira kasi hindi panga confirmed na `dun talaga at andami pang gamit.

Tapos nung nagpaparinig na kami sa mga manhid na tao sa loob kasi nababasa na kami, to the rescue sila Melody at dad ni Kevin. (LOL! XD) Sinakay lahat ng bag tapos mga 8 ata kami dun sa loob. `Yung iba, naglakad nalang kasi alam naman daw nila.

Pumunta kami sa Palmera para hanapin sila Kevin, pero wala na sila. So tinext nalang ni Melody sila. In the end, Melody explained, sa MCS Garden Resort nalang daw kami. Siyempre nakakadepress pa rin dahil doon sa Villa Mayor na original plan and it was a little past 9 na pero sadyang mabait si Lord. Grabe! Nagbunga yung paulit-ulit na sign of the cross ni Daniel! XD

May mga second year kulasa kaming kasama sa resort, so parang hati `yung place. Pag dating dun, bihis tapos sugod sa pool! Grabe! `Tas ahon para kumain...naks! May baked mac na patok! Tapos `yung gulay with milk recipe na sinasabi ni Melody bumenta din! Haha! Nagkulang pa ata kami sa soft drinks, eh!

Pagkatapos kain, pahinga tapos sugod ulit sa pool. Nabigla nga si Daniel 11 pa lang daw. So start na kami sa games.

Barney group, Joki group, Tiurch group and Hapit group - Barney ang may pinaka-maraming deduction pero mas maraming nabasag na itlog. (Oo, `yung itlog babasagin lang! :P) Pagkatapos `nung games, balik nanaman sa random-doing. Ang bait nga ng mga kulasa, eh! (Oo, `yung mga kapatid ko!) Nakipagcooperate naman sila sa "divide the pool" tactic namin!

Natapos sa pagbabanlaw ang Euclid ng about 4-4:30 siguro. Tapos picturan, dedication-writing at karaoke tapos tinipon lahat para sa pinagpuyatan kong presentation! Tapos sabi bigla ni Daniel, scores daw muna ng Euclidilympics bago `yung presentation. Panalo `yung Barney group!! Yes, naman! XD

Tapos dedication naman daw una. So nagsabi na ng dedication through the mic. May mga umiyak, may mga hindi. After that, `yung award-giving daw. Pero sayang kasi `yung certificates na naiwan sa kotse nila Kevin. Pagkatapos, `yung presentation naman `yung pinlay sa laptop ni Erika. Good to see na natouch naman sila. AW! :] Then binigay na yung prize ng games. Sa Barney group, dahil panalo, 200. Sa iba, 70 pesos naman. Naks! Eh, kaming faci? Ngiti nalang daw. :| :-j

Tapos dumating `yung parents ni Kevin tapos nagkaroon ng chance na kunin ni Cays `yung certificates. Sayang nga wala sila Mico at Enrico kasi may awards din sila. Tapos nagsimula na ang announcements. HAY...

Group picturan sa baba tapos uwian na. Magkakasabay kami nila Barney, Gleefer, Roel, Cassandra and Trisha. Unang umalis si Cays, nag-tricycle nalang siya. Tapos humiwalay na rin sila Barney and Trisha. So kami nalang nila Roel and Gleefer.

Grabe! Naiipit nga ako, eh! Nasa gitna nilang dalawa! (YEEHEE! >:)) Ako naman, "ARGH!" ng "ARGH", paulit-ulit. Ang galing naman kasi ng announcements na `yan! Ahaha! =)) Wala naman kasing katotohanan!

Nagcommute na kami ni Gleefer pagdating sa BayTree. Si Roel, maglalakad nalang kasi malapit lang naman. Tapos, nagulat nalang kami, dumeretso siya tapos tumakbo hanggang sa intersection `tas nagbye-bye! Haha! Second daw akong makakita ng bahay nila Gleefer. Tapos, hinatid na ako sa bahay namin. Kinse lang daw. Yes, naman! XD

Pagdatin ko sa bahay, ang sakit ng paa ko! What a tiring day! - But I loved it. :]

2 comments:

♥icecreamlover♥ said...

pwede bng aq nmn mgsabi n2??????









-argh!!!-

♫charm•426♫ said...

nice one faye.!!