BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Monday, March 30, 2009

Gala sa McDo!:))

Ok, so pumasok kami ngayon, March 31 para sa recognition. Clearly, para sa may mga distinction at `yung mga extinction naman na dumating, nakangiti`t pumapalakpak. (Masaklap ba?Haha!Buti nga!)

Ngayon, kaming mga nakaupo lang sa sahig, nagkwekwentuhan. Grabe, andaming nagdala ng cellphone, tapos kami ni Mallow OP naman kasi wala kaming dala. (Ohs, parang nagcharge ako!Haha!) So kwento-kwento lang kami doon. Paulit-ulit kong sinasabi kay Karen, "Gusto ko nang bumili ng bagong sim!" Ewan naman kasi! Nag-expire `yung Globe sim card ko, eh.

Ay, bago pala `nun. Babalik muna ako sa simula...

Ginising ako ng mama ko ng about 6 o'clock. Grabe. Aga nga eh, ngayong mga 8 pa nagsimula `yung recognition. Tsaka nalang ako bumangon ng mga 6:30 para magprepare. Hindi na ako kumain. Corny kasi ng ulam, eh. Sausage at itlog. Tsk! So habang naghihintay sa service ko, nag-GameBoy muna ako.

Pagdating, di save ako tapos labas na ng bahay. Mga 7:40 na ako dumating doon, and wow! Ang konti lang pala ng pumunta! `Ni wala nga ata akong nakita masyado na second and third years eh! Ang bait talaga ng first year! Haha!

So paikot-ikot ako, hindi ko alam kung nasaan sila. Akala ko ako lang ang papasok. Actually, inaasahan ko na makikita ko agad si Charmaene kasi may bagong haircut eh. Excited ako?:p Una kong nakita si Jireh na super mukhang haggard. Tapos nagkasalubong kami ni Cedric, `tas sabay kaming pumunta sa place ng Euclid. Konti palang tao `dun `nung time na `yon. Wala pa sila Mallow at Ms.NoName. (Meron, pero mahaba!:)))

Naks talaga, ganda ng suot ni Gleefer! Haha. Nakakatuwa naman. Uy, Best in English I ean! And si Daniel, huwag kalilimutan!XD So pagdating ni Mallow, may hawak na Coke na naka plastic pa! May dala din daw na M&M, para hindi gumastos. Pampaload, eh.Haha!

Dumating si Ms.NoName, grabe! Ang ganda niya sa bagong haircut, man! Pag sugod nami ni Mallow sa likod, tapos dumating si Low-low! Charing! Tinapakan daliri kong may sugat! (Bleh!) Hindi man lang nagsorry.

Tapos balik sa pinutol ko kanina. So usap-usap and kalahating nakikinig sa nagsasalita sa harap. Ewan ko kung sino siya, actually, pero parang...ganon. Haha. Tawagin niyo daw si Enrico!:)) Ang weird nga, eh! Andaming pinakitang kalokohan na video sa amin! Video ng aso tapos `yung soccer-playing-sumo-wreslers commercial ng Pepsi! Endorser?

Matapos ang pagkahaba-habang homilya ni Mr.NoName, (Kasi wala talaga siyang pangalan.) nasalita si Benro. Grabe, `Day, wala kaming maintindihan. Arte kasi! Pero cool naman, don`t worry.;)

Somewhere in between sa mga nangyaring `yon, hindi makalilimutan ang mga sumasayaw sa harap na napatayan ng music. May tinatawag palang, "Acapella-dancing"? Weird. Pero bumenta din. Maraming pumalakpak, eh! Kasama me `dun!:))

Tapos, seeing na andaming umalis para bumili ng kung ano-ano, bumili na rin kami. Pumunta ng CR ng walang dahilan tapos balik sa tindahan. `Pag balik, nandoon sila Stephen&co. Todo parinig naman si Mallow sa nakatapak sa daliri ko! Aw, I love you, Mallow!:] Tapos, layas na sila. Wala na daw C2 eh, kaya Big nalang. Sus! 7 pala `yun? Akala ko 6 pesos lang.:-j Aside from that, bumili ako ng Tivoli Bar? Ewan ko kung anung pangalan, basta `yun na `yun!

Pagkatapos, balik kami. Usap-usap ulit, `tas dumating si Ferry. Umalis na daw `yung mom niya, eh. Aw. Kami nila Mallow&&Shae pinaguusapan si Cookies&Cream. Epal naman kasi. Extra lang kaya siya `nung ano! Sabi nga ni Shae, na sabi ng kasama niya na parang galit ako kay Cookies&Cream, eh! Observant naman nila! Purpose lang daw kasi ni Cookies&Cream, choomivohg.:))

Tapos, todo OP naman kami kay Ferry! Kunwa-kunwari may binubulong!:)) Then, dumating na sila Stephen&co. Parinig nanaman si Mallow! Aw, I love you, again, Mallow!:] Matapos `nun, layas ulit sila, leaving Kevin na may ewan na mukha...:|

And finally, natapos `din `yung recognition! Ay, nakalimutan pala! Naconfiscate `yung blue na teddy bear. Basta, `yun na `yun.

Tapos gather kaming lahat sa first plant box. Sinuggest ko, "Uy, Guys! Gala tayo sa McDo!" Yup, sa McDo lang gagala kasi kapag sa blue wave, baka mahuli pa kami ng principal. Mabait kami, eh!

On the way, nahihirapan daw huminga si Mallow. Baka daw may asthma siya! Nako! `Pag dating namin sa other side ng tawiran, tinawag nila kami. Magpapapicture lang muna, daw. Eh, pagod na si Mallow, so nag-McDo nalang kami agad. Sumunod na sila Paula, Karyl and Nesian. `Nung mag-oorder na kami, dumating sila Dy&co. Na-touch na ako sa sinabi ni Dy, eh!

"Siyempre, hindi pwedeng wala kayo."

Tapos sugod kaming dalawa ni Mallow kay Ferry at nagpalibre kasi naayos namin `yung clearbook niya. Aw, I love you, Ferry!:)) All-in-all, andami namin. Let me see kung masasabi ko lahat: Ako, Mallow, Ms.NoName, Dy, Ferry, Shae, Paula, Karyl, Nesian, Barney, Yvan, Martin, Wenchie, Cedric & Roel. So all-in-all, 14 kami. Dumating sila Karen kasama niya si Rolyn. Nagtanong kung `san sasakay, tapos lumayas na. Nagpicturan muna sa may slide tapos pagbalik sa seat, appear nanaman ang Stephen&co. Tapos tinanong ni Jacob kung gagala daw. Sabi namin, "Hindi", tapos dissapear nanaman sila. Dumating si Patrick tapos sumabay muna sa`min. `Pag labas, picturan ulit tapos, `nung tatawid na, hayan nananaman ang Stepen&co. Naks, nakabihis na `yung trio! Summary, nag-wave si Low-low, nang-asar si Mallow, I said, "Yuck and no!", tatawid na`t about to go! Hanep, diba?:))

Papunta na sana kami sa picturan, pumunta sa kabilang daan sila Mallow and Patrick. Hindi na daw sasama si Mallow sa picturan so pumunta na kami sa pupuntahan. Umalis na `din si Roel, ewan ko`t nagmamadali. Edi 13 nalang kaming natira, `tas may dumagdag na isa. Sabi ni Martin, partner daw, hindi pwedeng trio. Edi si Paula, pumartner kay Roel. `Pag alis ni Roel, wala nang partner si Paula. Eh, si Karlo `din walang partner. YEEHEE!♥

`Pag dating namin sa picturan, ang ingay namin. Sa loob pa nga lang ng room parang mga parrot na kami! Labas-pasok sa dark room and all. Ako pa `yung nasuway!:)) Wawa maman me.:'( So kami todo ayos na ng sarili, and, surprisingly, pati `yung magpipicture sa amin, nagmemake-up, din! Bakit, siya ba `yung pipicturan?! Charing!=)) Ang sama ko talagang bata!

Ang sasabog ng shots namin dun, nakakatuwa! May tiurch, pero naka letter "T" ako, may Euclid Family, `tas ako `yung yaya, may formal na para akong timang, may pa-siga na muha akong matutumba na, tapos may malaking-ngiti pause na para akong...ewan?Haha!

Pagkatapos ng shots, may nakita akong pulang panyo sa sahig. Sayang, matatapakan ko na sana! Nagtanong pa kasi ako, eh may multong sumagot. Tinapik ako ni Ms.NoName sa likod, tapos ako todo tawa. Tapos `yun, tinignan `yung pictures tapos umalis na sila Martin, Nesian, Ms.NoName and Dy.

Hinintay naming mga natira `yung pictures. Eh, nainip kami, so pumunta kami sa ice cream shop. Bumili ako ng ice cream na tig 4 pesos na super hindi masarap. `Tas sa super bait ni Ferry, nilibre nanaman niya ako ng bottled water. Aw, I love you, ulit, Ferry. Hindi sumama sa amin si Karlo. `Pag balik, hinanap ni Paula si Karlo pero wala na siya.
Poor, poor, Paula.

`Pag balik nga pala namin, kinucut na `yung pictures. Nakakatuwa. Kinuha ko `yung Euclid family pic. Nice, eh. Isa-scan naman daw ni Shae `yung iba.

Pagtapos, uwi na kami ni Ferry. Sila Paula, Wenchie and Yvan, uwi na rin. Hindi ko lang alam kila Barney kung umuwi na sila. Baka kasi nag-Marikina Library pa sila, eh.

Sabay kaming umuwi ulit ni Ferry this time at text ang topic. Naks, gusto ko na talagang bumili ng baging sim!!!

• END•

0 comments: