August 1, 2009 – Another blog nananaman ito! Nagsasawa ka na ba? =))
So, as usual, maaga kaming dumating nila Joyce sa main. Wala pang katao-tao ‘dun. Mostly ‘yung mga first years. So nandun kami, inaabangan si Charmaene, tapos dumating si Erika, hinahanap si Sir Jorquin, tsaka ‘yung mga kasama niyang trainors para sa overnight nila sa Antipolo.
Tapos ‘nun, dumating si Nesian, tapos si Madel, tapos ‘nung time na dumating na si Karyl, dumating na rin si “bang-bang”! Tapos ang sama pa ng tingin niya sa amin…scary! *shivers*
Nalaman naming na absent pala si Miss Gupit ngayon, tapos pinabalik na kami ni Ma’am Torrente sa classrooms namin. Sumama si Madel sa group namin ngayon, kasi wala si Erika. Tapos si Nesian, tinatanong kung kalian daw birthday ni Jireh. Tapos walang nakakaalam. Saktong nandun sila Wenchie, Karlo at John Paul (ata) sa labas. Sabi ni Nesian, “Faye, tanungin mo kaya kay Karlo.” So ako naman, okay, tapos tinanong ko. August 29 daw.
Kumopya kami ng nasa manila paper sa board ng sandali, tapos nagdecide na bumili ng ruler sa canteen. Tapos ‘nung papunta na kami, sabi ni Xerxes, sarado daw. Edi umalis na sila, tapos kami naglalakad parin. Saktong pinaguusapan namin si bang-bang, tapos dumaan siya, tapos sinanggi ‘yung right shoulder ko! As in hindi naman ‘yung sanggi na ouch-sanggi. Parang friction lang naman. Tsk! Namumukhaan na yata kami nun!
Sunod na dumating si Gleefer, tapos si Trisha, tapos si Charmaene, tapos si Melody. Kumopya ulit kami tapos nag-start na ‘yung MTAP.
Skip ‘nung break – ‘yung time na SUPERDUPER nayamot talaga ako! Kasi may isang first year na bungga kay Trisha, tapos edi masakit daw sabi niya. Edi nilapitan ko siya, tapos sabi ko sa nakasipa, “Kuya, nasipa n’yo po ‘yung friend ko. Magsorry po kayo.” Tapos siya naman, poker-faced, stone-faced nagpapakamanhid. Tinanong ni Trisha, kung anong section niya, sabi Wordsworth daw. Tapos ‘nung tumalikod ako, NAG-MAKE-FACE ANG LOKO! Nakakainis talaga! Edi nilapitan ko, “Kuya, ang taas naman ng pride n’yo. Konting sorry lang hindi n’yo magawa. Babae kaya ang nasipa mo.”
Tapos some time after that, lumayas na ang *************asdfghjkl;’ . ‘Nung pataas na kami ng hagdan, tinanong ni Gleefer kung sino daw ‘yung nanipa. Tapos nilakas ko. “’Yan, o! ‘Yung *HA****!” Tapos nilapitan naman ni Gleefer tapos sinabing magsorry daw, tapos edi ‘yun, hindi parin siya nagsorry. ‘YANG LOKONG !@#$%^&*()!!! Tapos sabi ni Trisha, “Hayaan mo, kung ayaw niyang mag-sorry, ‘di ‘wag.” Tapos walk out. Edi nakatayo ako sa may pintuan, tapos dumaan si *HA****. Tapos nag-padyak ako ng malakas. =)) Pagkatapos ‘nun, dumating ‘yung nga classmates ni *HA**** tapos sabi, sila nalang daw ang mag-sosorry para sa kanya. Tapos sabi namin, “Wala naman kayong kasalanan, kaya ‘wag kayong magsorry.”
Tapos second part na ng MTAP, wala na kaming naintindihan. Puro radicals at square root at cube root ang pinagusapan namin dun! Nakakaloka! =))
So kami naman, tinaguriang mga madre kasi daw ang tahimik ng grupo namin. Ay, ganun? =))
So anyway, atat na atat na kaming lumayas, kaya pagtungtong ng twelve, zoom out na kami! Hindi na sumama si Martin sa amin kasi gusto niya daw mag-McDo. Edi nagjeep kami tapos nag-usap usap. And then nagtricycle kami papunta sa bahay nila Karyl. Eh, si Charmaene ang nagbayad, tapos hindi pa siya umaalis sa tricycle. Si Paula naman, ang lakas ng tama, edi sabi niya, akala niya daw hindi na lalabas si Charm ‘dun. XD Kaloka talaga! I love LOLS!
Pagpasok namin, nagusap-usap kami tungkol sa crush, tapos ako naman, pinanggigigilan si Nuggets. =) (Name ng dogger ni Karyl. XD) Tapos kumain na kami. Nagpicturan tapos talk-talk.
Tapos ‘nun, pumunta na kami sa taas. Sabi ko, sa room nalang kami ni Karyl para kahit papano, magiging private-er ang conversations namin. Nung una, seryoso pa akong gumagawa ng elective math, tapos napagdiskitahan namin ‘yung Candy Mags ni Karyl. Edi nag-quizzes-quizzes kami ‘dun, tapos ‘nung mga three na, umalis na si Charm. Hinatid namin siya sa C ‘n P, tapos on the way, may nakita kaming super-LONGGGG na gumagapang na earth worm *shivers*. Naalala ko tuloy ‘yung snake from yesterday. Sabi nila ‘yung mother ‘daw niya nasa MariSci pa – SCARYYYY!
Anywayyy, habang nandun sa Bench sila Gleefer at Trisha, nagtanong-tanong kami nila Karyl at Paula sa mga katauhan kung nasan ‘yung Book Sale. Edi sabi nila nasa second floor daw. So pumasok kami ‘dun kila Trish, tapos sabi ko, puntahan namin sa taas. Eh hindi ko alam kung anong direction, so umikot-ikot pa kami bago nakarating ‘dun. =)) Funny! Oo nga pala, b-day na ni Trisha sa 4!!! =) HAPPYBIRTHDAAAAYYY!! XD
Tapos nakita namin ‘yung latest issue ng Candy Mag na si Ashley Tisdale ‘yung cover. So nag-ambag-ambag kami para sa 95 pesos. Tapos pagdating namin sa bahay nila Karyl ulit, hindi pa namin binuksan kasi wala pa si Karyl. Tapos pagpasok ni Trisha sa room, may sinabi siya tapos lahat kami sa room, sumigaw tapos nagtawanan. =)))) LOL. Tapos nagtanong ako. Sabi ko, “OA ba akong magsalita?” sabi nila Gleefer, “OO naman!” Tapos parang ako, “WEH?!” Tapos ‘yun pala ang pagkakarining nila, “Okay”! Edi tawa nanaman kami. Tapos dumating si Karyl, tapos kinwento ni Gleefer kung anu-ano ‘yung mga nangyari ‘nung wala siya. Tapos habang nagsasalita si Gleefer, tumalikod si Karyl tapos umalis! Tawa nanaman kami! Tapos nagtanong sa akin si Gleefer ng something, tapos hindi ko narining tapos hindi ko sinagot. Tapos tawa nanaman kami. Angsasabog namin, grabe! =))) Tapos edi dumating na si Karyl, may dalang mga snacks. Tapos nagbunutan kami kung sinong unang magbubukas ‘nung wrapper ng Candy Mag. Tapos nagsalit-salit kami sa paglipat ng page para fair. Rotation method. Tapos si Gleefer reklamo ng reklamo kasi puro nga ads ang nabubuksan niya, tapos si Trisha puro mga quizzes. Tawa nanaman kami! =))))) ILYLOLS! XDD
Eh, ako ‘yung nakabuklat ‘nung page na parang isusulat mo ‘yung name mo ‘dun. Tapos hablot naman ako ng pentel pen from my pencil case, tapos sinulat ko “I ♥ Karishela”. Tapos lahat sila nagsi-“aw”. Tapos pinirmahan ko ‘yung sa bottom-left nung star. Tapos sabi ni Trisha, “Uy, ‘di ba 5 sides ‘yan? Tapos five tayo…” Then lahat, kami nagsi-oo nga! Eh si Gleefer ‘yung nakaoccupy ng space sa pinakataas, tapos okay na sana ‘yung pwesto ng name niya, kaso baliktad naman ‘yung pagkasulat niya, so tawa kami ng tawa, tapos in depression, tumili si Gleefer! Nakakatuwa! =)) HAHA!
Tapos ‘yung page na nasa tabi ‘nun parang ad siya tapos white mostly so sinulat, sulatan namin ng mga notes tungkol sa araw na ‘to.
Ang nagbukas ng plastic: PAULA
Conditioner: Faye
Shampoo: Gleefer
Nokia: Karyl
Toys R Us (hindi po ito kasama): Trisha
Samsung-something: Ferry
Tapos ‘nung patapos na, nagsiuwian na kami. Hindi na sumabay si Karyl kasi wala daw magbabantay ng house nila. So kami naman, layas na. Magkasabay kami ni Gleefer, tapos si Paula at Trisha naman, magkasabay din. Edi dumaan kami ng right papuntang C ‘n P. Tapos ‘yun pala sa left ‘yung daan! Buti nalang nakasalubong namin ‘yung mom ni Karyl on the way or else…KRKKKK! @-))))
Tapos edi ang lakas ng ulan, tapos sila Trisha and Pau nakasakay na. Tapos, edi sabi ko, “Lord, sana may dumaan na tricycle.” Tapos may dumaan nga, may laman naman. Sinabi ko ulit, dedma naman ‘yung tricycle driver. Tapos pangatlo, may pumansin na sa amin.
Tandaan: May utang ako kay Gleefer na 10 pesos! =))
Pag-uwi ko, sabi ni Mama, “Buti naman naisipan mo pang umuwi!” Tapos parang ako, “Oo nga…”
I LOVE LOLS SOSOSOSOSO MUCH!! =)))) The best! XD
xxxooo,
S H A R L <3
Saturday, August 1, 2009
Kabaliwan sa Bahay Nila Karyl! =))
Posted by Aminatsu032 at 6:37 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment